Si Aida o Si Lorna O si Fe?

gusto kong sabihin ito sa iyo, at minsan ko lang ito sasabihin:

ang puso ay maraming bahagi.
ang utak, sa dalawa nahahati.
ang sikmura, iisang supot lang.

wag ka nang magtaka,
kung bakit mas madali para sa’kin
ang pumili ng uulamin
kaysa kung ano’ng tamang gawain
o kung sinong dapat ko lang mahalin.

(Tula ni gingmaganda)

Leave a Reply

You can use these XHTML tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <blockquote cite=""> <code> <em> <strong>