Thinking of making your own ’scandal’ photos this Valentines day?

These “scandals” are so chic nowadays. If you and your partner are thinking of taking your own scandalous videos or photos, maybe you’d like to consider how it feels as gingmaganda has written about on her candid poem…

nang kinunan mo ako ng mga hubo kong litrato

hinubad ko para sa iyo ang lahat-lahat,
mula sa aking puting kamiseta,
maong na pantalon, aking panti at bra;

at sa bawat pitik mo sa iyong kamera,
naisip ko lang, sana may iba ka pang nakita
bukod sa aking balakang, suso, pwet, mga hita-

ngunit nang makita ko ang aking mga litrato,
iba’t ibang anggulo, nakangiti o hindi,
magkakaibang pwesto:

mukhang wala ka ngang ibang nakita.
maski bukod pa sa aking mga litrato,
sa aki’y may iba ka pang kinuha-

wala talaga. wala nga. wala.

Leave a Reply

You can use these XHTML tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <blockquote cite=""> <code> <em> <strong>